Pinapanatili kang up to date ng Chrome
Awtomatikong nangyayari sa background ang mga pag-update ng Chrome — na nagpapanatili sa iyong maayos at ligtas na makatakbo sa pamamagitan ng mga pinakabagong feature.
Paano malaman ang iyong bersyon ng Chrome
-
Hakbang 1
Sa iyong computer, buksan ang Chrome
-
Hakbang 2
Sa kanang bahagi sa itaas, pumunta sa Higit pa
-
Hakbang 3
I-click ang Tulong > Tungkol sa Chrome
Narito kung paano mo maa-update ang Chrome
Awtomatikong nag-a-update
Regular na tinitingnan ng Chrome kung may mga bagong update, at kapag may available na update, awtomatiko itong inilalapat ng Chrome kapag isinara at binuksan mo ulit ang browser.
![Awtomatikong Nag-a-update UI ng Chrome na may icon ng naglalapat ng update](/chrome/static/images/intl/fil_PH/updates/automaticUpdates.webp)
Paglalapat ng nakabinbing update
Kung matagal mo nang hindi naisasara ang iyong browser, posible kang makakita ng nakabinbing update.
Kung may nakabinbing pag-update, ang kulay ng icon ay:
Nailabas na ang nakabinbing update wala pang 2 araw ang nakalipas.
Nailabas na ang nakabinbing update humigit-kumulang 4 na araw ang nakalipas.
Nailabas na ang nakabinbing update hindi bababa sa isang linggo ang nakalipas.
Para ilapat ang update, isara at buksan lang ulit ang Chrome.
![Paglalapat ng nakabinbing update UI ng Chrome na nag-aalertong may nakabinbing update](/chrome/static/images/intl/fil_PH/updates/pendingUpdates.webp)
Bakit kailangang panatilihing updated ang Chrome
Kapag pinapanatiling up to date ang Chrome, nagbibigay-daan ito sa iyong sulitin ang mga pinakabagong feature at update sa seguridad ng Chrome para manatili kang produktibo, ligtas, at mobile.
-
Seguridad
Pinapanatili kang secure
Pinapadali ng Chrome na manatiling ligtas sa pamamagitan ng awtomatikong pag-update. Tinitiyak nito na mayroon kang mga pinakabagong feature sa seguridad at pag-aayos kapag available na ang mga ito.
-
Mga Feature
Ang mga pinakabagong feature ng Google
Pinapadali ng Chrome na manatiling ligtas sa pamamagitan ng awtomatikong pag-update. Tinitiyak nito na mayroon kang mga pinakabagong feature sa seguridad at pag-aayos kapag available na ang mga ito.
-
Mga Pagpapahusay
Pinabilis at pinahusay na performance
Pinapadali ng Chrome na manatiling ligtas sa pamamagitan ng awtomatikong pag-update. Tinitiyak nito na mayroon kang mga pinakabagong feature sa seguridad at pag-aayos kapag available na ang mga ito.