Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Google Maps para sa End User
Huling Binago: Hunyo 4, 2025
Kapag ginamit mo ang Google Maps, o anumang third party na produkto o serbisyo na nag-i-integrate ng Mga Serbisyo ng Google Maps Platform, dapat mong tanggapin, bilang end user, (1) ang Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, at ang (2) Mga Karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Google Maps na ito (ang “Mga Karagdagang Tuntunin ng Maps”). Isinasama ng Mga Karagdagang Tuntunin ng Maps bilang sanggunian ang Mga Legal na Notice para sa Google Maps/Google Earth at Google Maps/Google Earth API.
Pakibasa nang mabuti ang bawat isa sa mga dokumentong ito. Kapag sama-sama, kilala ang mga dokumentong ito bilang “Mga Tuntunin.” Itinatakda ng mga ito kung ano ang maaasahan mo mula sa amin habang ginagamit mo ang aming mga serbisyo, at kung ano ang inaasahan namin sa iyo.
Kung ginagamit mo ang mga feature na para lang sa merchant sa Google Maps para pamahalaan ang iyong Profile ng Negosyo, nalalapat ang Mga Tuntunin ng Profile ng Negosyo sa Google sa https://support.google.com/business/answer/9292476 sa paggamit na iyon.
Hinihikayat ka naming basahin ang aming Patakaran sa Privacy. Ipinapaliwanag nito kung anong impormasyon ang kinokolekta namin, bakit namin ito kinokolekta, at paano mo maa-update, mapapamahalaan, mae-export, at made-delete ang iyong impormasyon.
Lisensya. Hangga't sinusunod mo ang Mga Tuntuning ito, bibigyan ka ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google ng lisensyang gamitin ang Google Maps, kasama ang mga feature na nagbibigay-daan sa iyong:
tumingin at mag-annotate ng mga mapa;
gumawa ng mga KML file at mga layer ng mapa; at
ipakita sa publiko ang content nang may wastong attribution online, sa video, at sa print;
Para sa higit pang detalye tungkol sa mga partikular na bagay na puwede mong gawin sa Google Maps, pakitingnan ang page ng mga pahintulot sa Paggamit ng Google Maps, Google Earth, at Street View.
Ipinagbabawal na Pag-uugali. Ang pagsunod mo sa Seksyon 2 na ito ay kundisyon ng iyong lisensya para sa paggamit ng Google Maps. Kapag gumagamit ng Google Maps, hindi mo puwedeng gawin (o payagan ang mga kumikilos sa ngalan mo na gawin) ang mga sumusunod:
ipamahagi ulit o ibenta ang anumang bahagi ng Google Maps o gumawa ng bagong produkto o serbisyong batay sa Google Maps);
kopyahin ang content (maliban na lang kung pinapayagan kang gawin ito ng page ng mga pahintulot sa Paggamit ng Google Maps, Google Earth, at Street View o ng naaangkop na batas sa intellectual property, kasama ang "patas na paggamit");
i-download nang maramihan ang content o gumawa ng mga maramihang feed ng content (o ipagawa ito sa iba);
gamitin ang Google Maps para gumawa o magdagdag ng anupamang dataset na may kaugnayan sa pagmamapa (kasama na ang dataset sa pagmamapa o pag-navigate, database ng mga listing ng negosyo, mailing list, o listahan ng telemarketing) para sa paggamit sa isang serbisyong pamalit sa, o isang serbisyong kaparehong-kapareho ng, Google Maps; o
gumamit ng anumang bahagi ng Google Maps kasama ng mga produkto o serbisyo ng ibang tao para sa o kaugnay ng real-time na pag-navigate o autonomous na pagkontrol sa sasakyan, maliban kung sa pamamagitan ng isang partikular na feature na nagmumula sa Google, tulad ng Android Auto.
Mga Aktwal na Kundisyon; Pagpapalagay na May Panganib. Kapag gumamit ka ng data ng mapa, trapiko, mga direksyon, at iba pang Content ng Google Maps, posibleng mapag-alaman mong iba ang mga aktwal na kundisyon kaysa sa mga resulta ng mapa at content, kaya pag-isipan ito nang mabuti at gamitin ang Google Maps sa sarili mong pagpapasya. Ikaw ang palaging mananagot para sa iyong pag-uugali at sa mga kahihinatnan nito.
Iyong Content sa Google Maps. Ang content na ia-upload, isusumite, iso-store, ipapadala, o matatanggap mo sa pamamagitan ng Google Maps ay napapailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google, kasama ang lisensya sa seksyong tinatawag na “Pahintulot na gamitin ang iyong content.” Gayunpaman, hindi ina-upload o naisusumite sa Google ang content na nananatiling lokal sa iyong device (tulad ng isang KML file na lokal na naka-store), kaya hindi ito napapailalim sa lisensyang iyon.
Mga Pamahalaang End User. Kung ginagamit mo ang Google Maps bilang kinatawan ng isang entity ng pamahalaan, nalalapat ang mga sumusunod na tuntunin:
Sumasaklaw na Batas.
- 
    
Para sa mga entity ng pamahalaan ng lungsod o estado sa United States at European Union, hindi malalapat ang seksyon ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google kaugnay ng sumasaklaw na batas at pagdudulugan.
 - 
    
Para sa mga entity ng pederal na pamahalaan ng United States, ang seksyon ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google kaugnay ng sumasaklaw na batas at pagdudulugan ay papalitan ng mga sumusunod:
“Ang Mga Tuntuning ito ay sasaklawan ng, at bibigyang-kahulugan at ipapatupad alinsunod sa, mga batas ng United States of America nang hindi isinasaalang-alang ang salungatan ng mga batas. Tanging hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng pederal na batas: (A) malalapat ang mga batas ng Estado ng California (hindi kasama ang mga panuntunan ng California sa mga salungatan sa batas) kung walang naaangkop na pederal na batas; at (B) ang anumang di-pagkakasundong magmumula o nauugnay sa Mga Tuntuning ito o sa Google Maps ay eksklusibong lilitisin sa mga pederal na hukuman ng Santa Clara County, California, at pinahihintulutan ng mga partido ang personal na hurisdiksyon sa mga hukumang iyon.”
 
- 
    
 Mga Karapatang Pinaghihigpitan ng Pamahalaan ng U.S. Ang lahat ng pag-access o pagamit ng Google Maps ng o para sa pederal na pamahalaan ng United States ay napapailalim sa seksyong "Mga Karapatang Pinaghihigpitan ng Pamahalaan ng U.S." sa Mga Legal na Notice ng Google Maps/Google Earth.