Patakaran sa Ipinagbabawal na Paggamit ng Generative AI
Huling Binago: Disyembre 17, 2024
Makakatulong sa iyo ang mga modelo ng Generative AI na mag-explore, matuto, at gumawa. Inaasahan naming makikipag-ugnayan ka sa mga ito sa isang responsable, legal, at ligtas na paraan. Nalalapat ang mga sumusunod na paghihigpit sa iyong mga pakikipag-ugnayan sa generative AI sa mga produkto at serbisyo ng Google na tumutukoy sa patakarang ito.
- Huwag magsagawa ng mapanganib o ilegal na aktibidad, o lumabag sa mga naaangkop na batas o regulasyon. Kasama rito ang pagbuo o pag-distribute ng content na:
- Nauugnay sa sekswal na pang-aabuso o pananamantala sa bata.
- Pag-facilitate o pagpapadali sa marahas na extremism o terorismo.
- Pag-facilitate o pagpapadali sa koleksyon ng di-konsensuwal at intimate na imahe (non-consensual intimate imagery o NCII).
- Pag-facilitate o pagpapadali sa pananakit sa sarili.
- Pag-facilitate o pagpapadali sa mga ilegal na aktibidad o paglabag sa batas -- halimbawa, pagbibigay ng mga tagubilin para sa pag-synthesize o pag-access sa mga ilegal o kontroladong substance, produkto, o serbisyo.
- Lumalabag sa mga karapatan ng iba, kabilang ang mga karapatan sa privacy at intellectual property -- halimbawa, paggamit ng personal na data o biometrics nang walang legal na kinakailangang pahintulot.
- Sumusubaybay o sinusubaybayan ang mga tao nang walang pahintulot nila.
- Gumagawa ng mga naka-automate na desisyong may materyal na nakapipinsalang epekto sa mga indibidwal na karapatan nang walang pangangasiwa ng tao sa mga domain na may mataas na panganib -- halimbawa, sa trabaho, pangangalagang pangkalusugan, pananalapi, legal, pabahay, insurance, o social welfare.
- Huwag ikompromiso ang seguridad ng iba o mga serbisyo ng Google. Kasama rito ang pagbuo o pag-distribute ng content na maaaring mag-facilitate o magpapadali sa:
- Spam, phishing, o malware.
- Pang-aabuso, pinsala, panghihimasok, o paggambala sa imprastraktura o serbisyo ng Google o ng iba.
- Paglusot sa mga proteksyon sa pang-aabuso o mga pangkaligtasang filter -- halimbawa, pagmamanipula sa modelo para labagin ang aming mga patakaran.
- Huwag magsagawa ng tahasang sekswal, marahas, mapoot, o mapaminsalang aktibidad. Kasama rito ang pagbuo o pag-distribute ng content na maaaring mag-facilitate o magpadali sa:
- Poot o mapoot na salita o "hatred or hate speech".
- Panliligalig o harassment, pambu-bully, pananakot, pang-aabuso, o pang-iinsulto sa iba.
- Karahasan o pag-uudyok ng karahasan.
- Explicit na sekswal na content -- halimbawa, content na ginawa para sa pornograpiya o sekswal na kasiyahan.
- Huwag masangkot sa pagpapalaganap ng maling impormasyon, misrepresentasyon, o mapanlinlang na aktibidad. Kabilang dito ang
- Mga panloloko, scam, o iba pang mapanlinlang na pagkilos.
- Panggagaya ng isang indibidwal (buhay man o hindi) nang walang tahasang paghahayag, para makapanloko.
- Pag-facilitate o pagpapadali sa nakakapanlinlang na claim ng kadalubhasaan o kakayahan sa mga sensitibong larangan -- halimbawa, kalusugan, pananalapi, mga serbisyo ng pamahalaan, o sa batas, para makapanloko.
- Pag-facilitate o pagpapadali sa mga nakakapanlinlang na claim na may kaugnayan sa mga proseso ng pamahalaan o demokratikong proseso o mapaminsalang gawi sa kalusugan, para makapanloko.
- Misrepresentasyon ng pinagmulan ng binuong content sa pamamagitan ng pagsasabing tao lang ang gumawa nito, para makapanlinlang.
Posibleng gumawa kami ng mga pagbubukod o mga "exception" sa mga patakarang ito batay sa mga pagsasaalang-alang o kunsiderasyong pang-edukasyon, pang-dokumentaryo, pangsiyensya, o pangsining, o sa mga pagkakataong mas nakahihigit ang mga posibleng benepisyo sa publiko kaysa sa mga posibleng pinsala.